Satellites 2019

K-POP PARTY
Pebrer 23

Iniimbitahan namin ang pinakamahuhusay na mananayaw ng K-pop ng lungsod sa isang gabing punong-puno ng kasiyahan sa Auckland Town Hall.
Itatampok ng panlahat na dance party na ito, na na-curate ni Rina Chae — na sumayaw na kasama nina Beyoncé at Justin Bieber, at nag-choreograph para sa AOA, Cosmic Girls, SF9, at Monsta X — ang mga pinakabagong K-pop na sayaw, kung saan mayroon ding mga performance mula sa aming mga cover finalist sa paligsahan, at special appearance mula kina Rina, Street Candee, Jua, at 603 Boogie Squad.
Ihanda ang mga palaban ninyong galaw, ang pinakamagaganda ninyong K-pop na kasuotan (may papremyo!), at maghanda para sa pinakamalaking K-pop na party ng taon.
Inihahatid kasama ng Auckland Live.
- Saan:
- Great Hall, Auckland Town Hall,
301 – 317 Queen St, Auckland CBD - Kailan:
- Sabado 23 Pebrero
8 –10pm - Bayad:
- $10

THE MOOD MACHINE
Marso 5 – 24

Ang misteryosong machine na ito, na ilalagay sa isang pampublikong espasyo malapit sa inyo ay makikinig sa mga nararamdaman ninyo at magbibigay sa inyo ng isang likhang sining at ilang kasulatang naaayon dito.
Ipinapakita ng machine na ito, na na-curate nina Emma Ng at Hera Lindsay Bird, ang ilan sa mga gawa ng mga pinakamakabagong nagsisimula pa lang na artist at manunulat sa Aotearoa. Maghandang tumuklas ng mga bagong mundo at modernong pananaw, at makadama ng silakbo ng puso na hindi basta naglalaho.
Itinatampok ng The Mood Machine ang mga gawa nina Xun Cao, Vanessa Crofskey, Robbie Handcock, Ana Iti, Gregory Kan, Sharon Lam, Eamonn Marra, Elisabeth Pointon, Stacey Teague, Sam Thomas, Tayi Tibble, Serene Timoteo, Jade Townsend, Chris Tse at Faith Wilson.
- Saan:
- Q Theatre 305 Queen St Auckland CBD
- Kailan:
- 5 – 24 Marso
Sa mga oras lang na bukas ang Q Theatre - Bayad:
- Libre

NANAM X THE CULT PROJECT
Mayo 25

Iniimbitahan kayo ng pangatlong installment ng aming pop-up na serye ng mga almusal na tikman ang isang tradisyonal na Pinoy na almusal na nagpapakita sa mga kasanayan sa kusina ni Jess Granada ng Nanam at ni Carlo Buenaventura ng The Cult Project, na may orihinal na likha ng illustrator na si Marc Conaco. Iikot ang event na ito, kung saan maghahanda ng sikwate, pan de siosa, at kape at sinangag, sa mga personal na kwento ng bawat artist, at sa pagbabahagi nila ng kanilang espesyal na ugnayan sa mga inihahain nilang putahe.
Pakitandaang hindi pang-vegetarian ang almusal na ito.
- Saan:
- Nanam, 178 Hurstmere Rd, Takapuna
- Kailan:
- Sabado 25 Mayo
9.30 – 11am - Bayad:
- $25 bawat isa o $35 kapag may kasamang kapamilya

KOLLYWOOD EXTRA
Mayo 4

Sumama sa shooting ng isang gawa-gawang Kollywood na pelikula at makibahagi sa mga aktibidad ng nasabing blockbuster na pelikula: matuto ng sayaw, manood ng performance, o magpakuha ng headshot at mapansin ng isa sa aming mga talent scout.
Ang Kollywood Extra, na ginawa ng makabagong director na si Ahi Karunaharan, at nagtatampok sa mga putahe ni Samrudh Akuthota at sa kamangha-manghang walang katulad na likha ni Bepen Bhana, ay isang interactive na pagkilala sa mga pelikula sa Southern India. Iniimbitahan namin kayo — ang audience — na tunghayan ang performance at live art installation na ito, o kaya ay maging isang extra o bida rito.
- Saan:
- Sandringham Reserve Te Rori o Sandringham Sandringham
- Kailan:
- Sabado 4 Mayo
12 – 6pm - Alternatibong petsa kapag umulan:
- Sabado 11 Mayo
12 – 6pm - Bayad:
- Libre

THE CRYSTAL BALL
hunyo

Sumilip sa hinaharap gamit ang The Crystal Ball, isang kakaibang malawakang installation na ginawa ng experiential artist na si Lakshman Anandanayagam at ng sonic at visual artist na si Suren Unka. Sa naturang installation, makatotohanang ipinapakita ang mga pangarap ng ating lungsod para sa hinaharap, at panandalian ninyong masisilip ang mundong inaasahang kagisnan ng ating mga anak: ang kanilang mga pangarap, alalahanin, at ang buhay na gusto nilang makamit.
- Saan:
- St George St Papatoetoem
- Kailan:
- hunyo
- Bayad:
- Libre

ZOE & THE K-POP KIDS
Oktubre 13

Sa isang maliit na bayan sa New Zealand, nangangarap si Zoe na mapasok ang makulay na mundo ng K-pop. Gagawin niya ang lahat para makasayaw sa isang crew, kaya sa tuwing may pagkakataong mag-audition para sa ganito, talagang hindi niya ito pinapalampas. Pero nasa kanya ba ang mga kinakailangan para mapabilang sa isang crew?
Ang Zoe & The K-Pop Kids ay isang kapana-panabik na pakikipagsapalaran tungkol sa pagsisikap at paniniwala sa inyong mga pangarap, na nagtatampok ng mga nakakaengganyong K-pop na sayaw na na-choreograph ng internasyonal na choreographer na si Rina Chae (AOA, Cosmic Girls, SF9, at Monsta X).
Naaangkop ang nakakahumaling na interactive na performance na ito sa mga batang may edad na 4 na taon pataas.
- Saan:
- Bruce Mason Theatre, The Promenade, Takapuna
- Kailan:
- Sabado 12 Oktubre
11am – 12pm
1 – 2pm
6 – 7pm - Linggo 13 Oktubre
11am – 12pm
1 – 2pm
4 – 5pm
- Bayad:
- $10 – $15

INTERNSHIP PROGRAM

Ang Internship Program ng Satellites, na nakatuon sa paghubog ng mga art manager at producer sa hinaharap ay magbibigay sa dalawang baguhang practitioner mula sa Asia ng pagkakataong pahusayin ang kanilang mga pangunahing kasanayan sa produksyon at marketing sa dalawang organisasyong pansining mula 2019 – 2020
Iaanunsyo ang pagbubukas ng aplikasyon sa Hulyo 2019.
About
Ang Satellites ay isang serye ng mga pampublikong event na nagtatampok sa mga pinakakapana-panabik na makabagong artist sa Tāmaki Makaurau na mula sa Asia.
Sinusuportahan ng Konseho ng Auckland
Anf Satellites team are Rosabel Tan, Viv Teo, Micheal McCabe at Alex Gandar.
Ang aming mga intern para sa 2019 Nahyeon Lee at Bala Murali Shingade.